General Santos City- Nagsagawa ng libreng operation tuli at medical mission ang Heneral Santos Lady Eagles Club katuwang ang GenSan PNP sa Barangay Hall ng Upper Labay, General Santos City noong Agosto 28, 2023.
Layon nito na bigyang atensyon ang kalusugan ng mga mamamayan sa naturang barangay.
Naging matagumpay ang kanilang aktibidad dahil umabot sa humigit-kumulang 200 na mga residente ang nakinabang sa nasabing aktibidad, kung saan lahat ng nagpa-checkup ay binigyan din ng libreng gamot, libreng pagkain, at marami pang iba.
Samantala, humigit-kumulang 50 mga bata naman ang benipisyaryo sa isinagawang libreng operation tuli, at libre na rin ang kanilang gamot.
Sa pagsasakatuparan ng programa ay tiniyak ng mga naturang grupo na nasunod ang health at safety protocols at patuloy na magsasagawa ng mga aktibidad para sa mamamayan ng GenSan.