Cotabato – Apat na lalaki ang arestado ng mga awtoridad matapos lumabag sa Gun Ban ng Commission on Elections (COMELEC) sa Purok 1, Brgy. Bual Sur, Midsayap, Cotabato nito lamang Agosto 29, 2023.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Suhod”, 23; alyas “Farhan”, 28; alyas “Nabil” 27-anyos, na pawang residente ng Barangay Datu-Saudi Ampatuan, Maguindanao; at alyas “Hedar”, 23, na residente naman ng Barangay Sambulawan, Midsayap, Cotabato.
Nakuhanan ang mga suspek ng tatlong Cal. 45 pistol, na may kasamang magazine at kargado ng pitong bala, isang Glock pistol, isang carrier box, dalawang yunit ng bush master, anim na piraso ng magasin at mga live ammunitions.
Nanawagan naman ang COMELEC at Midsayap PNP na sumunod sa alituntunin sa Checkpoint para masigurado ang katahimikan at kaayusan sa ating bayan lalo na ngayon sa darating na halalan.