Benepisyaryo ang dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) combatants ng anim na hand tractor mula sa bumubuo sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na idinaos sa Camp Jabal Nur, Barangay Cabasaran, Madamba, Lanao del Sur nito lamang ika-20 ng Nobyembre 2024.

Nabatid na ang mga donasyon ay pormal na tinanggap ni Alexander M. Lagawa, Chief of Staff ng MNLF Bangsamoro Armed Force/Commanding General ng National Unified Command.

Ito ay bahagi ng programa ng PRO BAR sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director. BGen Macapaz, na naglalayong suportahan ang kabuhayan ng mga dating MNLF combatants upang higit maging produktibong miyembro ng komunidad.

Tampok sa seremonya ang lagdaan ng Deed of Donation and Acceptance, na dinaluhan at sinaksihan ng mga miyembro ng pamayanan ng MNLF, mga opisyal ng PNP, at stakeholders.

Malugod na nagpasalamat ang MNLF sa PRO BAR, dahil sa inisyatibo at suporta para sa kanilang kabuhayan tungo sa pagsulong ng pagkakaisa tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *