Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting ang mga tauhan ng Department of Environment Natural Resources (DENR) Sarangani sa Barangay Mabay, Maitum, Sarangani Province nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan ng DENR Sarangani ang isang Beach Forest Project sa pakikipagtulungan sa Cronasia Foundation College-Gensan, Golden State College- Kiamba,Army 105IB – Kalaong, DENR Cenro-Kiamba, Maitum-Menro, at mga opisyales at mga residente ng Barangay Mabay.

Umabot sa 300 talisay at mangrove trees ang naitanim ng grupo sa naturang lugar.

Layunin ng aktibidad na bigyang halaga ang pagtutulungan ng pribadong sector at komunidad upang protektahan at pagyamanin ang likas na yamang dagat dahil ang mga bakawan ang nagpoprotekta sa mga baybayin at komunidad mula sa malakas na alon na dala ng bagyo.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *