Nasakote ng mga otoridad ang tinaguriang Top 7 City Most Wanted Person sa kasong Rape sa Brgy. Tipanoy, Iligan City nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Roy”, lalaki, 33 anyos, single at residente ng Purok 2 Tangke, Brgy. Bonbonon, Iligan City.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na may Criminal Case No. 24-30142 na walang inirekomendang piyansa. Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan at kapayapaan sa ating bansa sa tulong ng mamamayan upang maging maunlad ang ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *