Sa matibay na pagsuporta sa karapatan ng mga bata, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro, sa pamumuno ni Gobernador Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, ang Provincial Children’s Congress 2024 noong Nobyembre 23-24, 2024, sa Ritz Hotel – Garden Oasis, Davao City.

Dumalo sa kaganapan ang 70 kalahok, kabilang ang 55 batang representante mula sa iba’t ibang sektor tulad ng mga batang Katutubong Mamamayan, mga batang Muslim, mga grupong nakabatay sa pananampalataya, mga komunidad, at mga mag-aaral mula sa Supreme Elementary School ng Department of Education (DepEd).

Kasama ang mga guro at mga kinatawan mula sa mga organisasyon at institusyon na nagtataguyod ng kapakanan ng mga bata.

Ang tema ng taon ay “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!”, na naglalayong pagtibayin ang komprehensibong partisipasyon ng mga bata at magbigay-pansin sa mga mahahalagang isyu na may kaugnayan sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *