Pinakawalan ang 41 Green Sea Turles hatchlings sa Barangay Poblacion, Turtle Islands, Tawi-Tawi nito lamang ika-23 ng Nobyembre 2024. Pinangunahan ng Ministry of Environment, Natural Resourses and Energy katuwang ang ang 1st Special Operations Unit ng PNP Maritime Group sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Bichelle B Abagcoy.
Ang mga sea turtles na ito ay natural na napisa sa baybayin ng Turtle Islands at maingat na inalagaan ng mga tauhan ng Taganak Maritime Special Boat Crew. Ito ay masusing binantayan upang matiyak ang kanilang kaligtasan hanggang sa maibalik sa kanilang natural na tirahan sa dagat.
Ang proyektong ito ay hindi lamang nagpapakita ng malasakit sa mga nanganganib na uri kundi sumasalamin din sa mas malawak na layunin ng PNP na gumawa ng mabubuting gawain para sa kapaligiran at komunidad.
Ang mga inisyatibang tulad nito ay nagbibigay-diin na ang ating kapulisan katuwang ang iba pang hanay ng pamahalaan ay tunay na magtutulungan sa pagsulong ng isang mas malinis at maayos na kapaligiran.