Namahagi ng 50 yunit ng multi-purpose solar speed drying trays o PORTASOL ang Department of Science and Technology Region-9 (DOST-9) sa dalawang asosasyon sa lalawigan ng Zamboanga del Sur nito lamang ika-23 ng Nobyembre 2024.
Ang mga benepisyaryo ng proyekto ay ang Pantad Women’s Fisherfolk Association ng Barangay Pantad sa bayan ng Dumalinao, at ang Isla Asenso Empowerment Club ng Barangay White Beach sa lunsod ng Pagadian.
Ang proyekto ay ipinatupad ng DOST-9 sa ilalim ng Community Empowerment thru Science and Technology o CEST program.
Ang proyekto ay ang “Provision of Sun Drying Trays for Community Empowerment thru Science and Technology in support to Livelihood – DOST Region 9 Component.” Sa pamamagitan ng pagkupkop at ng solar drying trays, ang dalawang asosasyon ay sangkap na sa pagproseso ng kanilang mga produkto na walang kontaminasyon ng mikrobyo.
Ang trays ay makakapagsalansan ng 12 tiers o hagdan-hagdan at makakapagtangan ng 150 kilo sa bawat drying cycle.
Ang teknolohiya ay dinisenyo para paunlarin at maitaguyod ang malinis at mataas na kalidad ng lokal na mga produkto.
Layon ng proyekto na mapabuti ang kalidad at ang pamantayan ng kalinisan sa produksyon ng mga tuyong isda at seaweed crackers ng nabanggit na mga asosasyon.