Sumuko ang isang magsasaka na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Brgy. Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur nito lamang ika- 23 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Eddie” 34 anyos, magsasaka at residente ng Purok 1 Brgy. Site Dapiwak Dumingag, Zamboanga del Sur.
Nabatid na ang sumuko ay dating miyembro ng Hingpit Nga Organisadong Masa sa ilalim ng GF- BBC WMRPC.
Patuloy ang paghina ng teroristang grupo na NPA dahil sa pagsisikap ng pamahalaan at PNP tungo sa pagkamit ng isang mapayapa at maunlad na bansa.