Opisyal nang binuksan ng Local Government Unit ng General Santos ang 22nd Citywide Musabaqah Ammah 2024 sa Acharon Sports Complex, General Santos City na gaganapin nito lamang 23-25 ng Nobyembre 2024.

Sa seremonya, pinangunahan ni Mayor Pacquiao ang Lighting of the Torch, Banging of Gong, at Pledge of Sportsmanship bilang pormal na hudyat ng pagbubukas ng Musabaqah.

Ang taunang pagdiriwang ay may temang “Lakas at Galing na Palaro para sa mga Madrasah” at layong palakasin ang pagkakaisa at talento ng mga kalahok mula sa lokal na komunidad ng mga Muslim.

Ang pagbubukas ng selebrasyon ay sinimulan sa pamamagitan ng isang makulay na motorcade at parada, na sinundan ng isang opisyal na programa. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga lider ng Muslim Community ang naturang aktibidad.

Ito ay tatlong araw na selebrasyon, na magtatampok ng iba’t ibang kompetisyon kabilang ang mga palakasan, akademikong paligsahan, at mga recreational activities, na gaganapin sa parehong venue.

Ang Musabaqah Ammah ay naglalayong ipakita hindi lamang ang husay sa palakasan, kundi pati na rin ang pagpapahalaga sa kultura, edukasyon, at pagkakaisa ng mga madrasah sa lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *