Mainit na tinanggap ng mga katutubo mula sa Barangay Baganihan, Marilog District, Davao City ang Mga tauhan ng Davao City Police Office at si Bb. Lou Neria Maestre Putian, CEO ng Sy Glow, sa isinagawang community outreach program nito lamang ika-23 ng Nobyembre, 2024.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na pagdiriwang ng 32nd National Children’s Month Culmination kung kaya naman ay mariing pinagplanohan ng mga nag-organisa outreach na ito hindi lamang para sa mga bata kundi pati na rin sa mga magulang na siyang nag-aalaga sa mga ito.
Binuo ang programa ng presentasyon ng katutubong sayaw ng mga residente kasunod ang pamanahagi ng food packs, meryenda, loot bags, laruan at tsinelas. Labis naman ang naging tuwa ng mga bata sa kwelang-kwelang Davao City Police Office Maskot at Magician.
Ang aktibidad ay naging posible sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng iba’t ibang mga stakeholder, kabilang ang Pamahalaang Lungsod ng Davao, si Gng. Lou Neria M. Putian, CEO ng SY Glow, E&JJ Americal Surplus, at iba pang mga pribadong katuwang.
Ito ay patunay na sa pagkakaisa ay mas marami tayong matutulungan na ating mga kababayan.