Matagumpay na naisakutaparan ang isinagawang Ceremonial Opening of Assistance for Security, Peace, Integration and Recovery for Advancing Human Security in BARMM (ASPIRE) Project na ginanap sa Gambar Peace and Islamic Development Center, Barangay Gambar, Mother Kabuntalan, noong ika-25 ng Nobyemre 2024.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ni Ministro Kenichi Matsuda, Chargé d’Affaires ng Embahada ng Hapon sa Pilipinas, Hon. Gov. Abdulraof A. Macacua, Gobernador ng Maguindanao del Norte, mga opisyal ng Maguindanao del Norte PPO, kasama si Police Brigadier General Romeo J Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, at mga tauhan ng AFP.

Ito ay upang ipagdiwang ang pagsisimula ng isang mahalagang inisyatiba na naglalayong magbigay ng suporta para sa seguridad, kapayapaan, integrasyon, at pagbabalik-loob sa mga komunidad sa rehiyon ng BARMM.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang magkakaroon ng mas magaan na pag-access sa mga serbisyong pangkapayapaan at kaunlaran ang mga tao sa BARMM, pati na rin ang pagpapalakas ng mga hakbang para sa pangmatagalang seguridad at kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *