Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos City ang The Orange Exhibit: “Journey Towards a VAW-Free Philippines” bilang bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa City Hall Lobby, General Santos City nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao, ang inisyatibong ito na naglalayong itaguyod ang karapatan at kaligtasan ng kababaihan at mga bata.
Ang exhibit, inorganisa ng City Population Management Office (CPMO) katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ay layuning magtaas ng kamalayan, mag-udyok ng dayalogo, at magbigay-inspirasyon sa mga hakbang laban sa karahasan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni City Councilor Elizabeth Bagonoc, ang mahalagang papel ng pagkakaisa sa pagitan ng pamahalaan, mga ahensya, at komunidad upang makamit ang isang ligtas at VAW-free na lipunan.
Bilang bahagi ng aktibidad, nilagdaan din ng mga opisyal at kalahok ang isang freedom wall bilang simbolo ng kanilang pangako sa layunin ng kampanya.
Ang exhibit ay nagsilbing paalala at panawagan para sa patuloy na pagkilos laban sa karahasan at pagmamalasakit para sa kapakanan ng bawat kababaihan sa komunidad.