Aabot sa 1,300 sako ng Bagong Bayaning Magsasaka o BBM Rice na nagkakahalaga ng P29 kada kilo ang naibenta sa nagpapatuloy na Kadiwa ng Pangulo sa National Irrigation Administration (NIA) sa dalawang probinsya sa Zamboanga Peninsula nito lamang ika-24 ng Nobyembre 2024.

Ang mga bigas na binebenta sa Kadiwa ay bahagi ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice Program ng pamahalaan at galing sa Farming Support Services Program ng NIA.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang bawat mamimili ay maaaring makabili ng bigas hanggang 10 kilo lamang.

Apat na Kadiwa Centers ang binuksan sa probinsya ng Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay na layuning magbigay ng abot-kayang produkto sa mga sektor na nangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *