Namahagi ng Cash assistance si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2,500 mahigit na residente ng Datu Odin Sinsuat Municipality sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte noong ika-28 ng Nobyembre 2024.
Kinawatanan ni Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat ang pamamahagi ng Cash assistance pay out sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS na pinondohan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente at Alkalde dahil sa patuloy na bumubuhos na ayuda at tulong pinansiyal mula sa Pangulo.
Ito na ang ikatlong beses na naglaan ng tulong pinansiyal si Pangulong Bongbong Marcos sa mga residente ng Datu Odin Sinsuat Municipality.