Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) IX ang kauna-unahang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng ahensya sa lungsod ng Isabela sa probinsya ng Basilan nito lamang Nobyembre 28, 2024.

Pinamunuan ng DSWD katuwang ang tanggapan ni Basilan Lone District Representative Mujiv Hataman at ng lokal na pamahalaan ng Isabela ang isinagawang payout sa 1,000 minimum wage earners sa naturang lungsod.

Nakatanggap ng tig-P5,000 tulong pinansyal ang bawat benepisyaryo mula sa nasabing aktibidad kung saan aabot sa kabuuang P5-Milyon ang naipamahagi sa naturang payout.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman sa ayudang natanggap ng mga residente mula sa programa ng DSWD.

Binigyang diin naman ng alkalde sa sana’y dumating ang panahon na matutuldukan ang pagiging kapos sa kita ng mga residente upang hindi na kakailanganin pa ang mga ganitong uri ng ayuda.

Ang AKAP ng DSWD ay naglalayong mabigyan ng kaukulang suporta ang mga Pilipinong minimum wage earners, near-poor, at mga manggagawang kabilang sa informal sector.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *