Isang estudyante ng Central Mindanao University (CMU-Bukidnon) ang Topnotcher sa Veterinarians Licensure Examination na isinagawa sa ilang bahagi ng bansa ngayong taon ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC).
Kinilala si Adrian Alex Pama Lo, ang lumabas bilang Topnotcher sa pagsusulit na nakakuha ng 89.30 rating mula sa 633 examinees na isinagawa sa Cagayan de Oro. Bukod kay Lo, nasa no.8 spot din si Samm Carlo Rojas Parilla, mula sa parehong unibersidad na may 80.30 rating.
Ang isinagawang Board of Veterinary Medicine examination ay ginanap sa National Capital Region, Baguio City, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales at Tuguegarao City noong Oktubre ng taong ito. Basta Bisaya, tatak world-class! Garbo sa ginikanan, garbo sa katawhan ug garbo sa CMU! Congratulations!