Lanao del Norte – Arestado ang isang lalaki sa kasong paglabag sa COMELEC Gun Ban/Comelec Resolution no. 10918 o pagdadala ng walang dokumentong baril sa Barangay Bauyan, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte nito lamang ika-30 ng Agosto 2023.
Kinilala ng Naga Dimaporo PNP, ang suspek na si alyas “Mohammad”, 39 anyos at residente ng Barangay Kalangan 1, Cotabato City, Maguindanao.
Ayon sa mga awtoridad, matapos sitahin ang suspek ay agad itong sumakay sa kanyang saksakyan upang tumakas, agad naman tumawag ang off-duty na pulis sa Sultan Naga Dimaporo PNP para madakip ang patakas na suspek.
Nakuha suspek ang isang Cal. 45 Armscor Pistol na may Serial no. 1346061 at may isang magazine na may 13 bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comelec Resolution no. 10918 o Gun Ban in relation to the October 30, 2023 Barangay and Sanguniang Kabataan Elections.