Cotabato – Arestado ang isang 33-anyos na lalaki sa isinagawang Joint Random Checkpoint ng PNP at Philippine Army sa Barangay Lower Katingawan, Midsayap, Cotabato noong Setyembre 2, 2023.
Kinilala ang suspek na si alyas “Joemar”, driver, at residente ng Brgy. Upper Labas, Midsayap, Cotabato.
Batay sa ulat, bandang 5:50 ng hapon nang dumaan sa checkpoint ang suspek sakay ng motorsiklo kung saan sinita ng mga otoridad ang suspek dahil sa dala nitong isang yunit ng Cal 45 pistol na May kasamang magazine at walong bala.
Nabigo na magpakita ng mga kaukulang dokumento ng naturang baril dahilan para arestuhin ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.
Mahigpit na ipinapatupad ng PNP ang Nationwide Gun Ban mula Agosto 28, 2023 hanggang Nobyembre 29, 2023 kaugnay sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Dahil dito, ipinagbabawal ang pagdala ng mga baril o iba pang nakamamatay na armas upang mapanatili ang tahimik at maayos na halalan.