Misamis Oriental- Arestado ang isang 26 anyos na lalaki ng mga awtoridad matapos mahulihan ng baril sa J.P Roa Park, Barangay Poblacion 6, Misamis Oriental nito lamang madaling araw ng Setyembre 2, 2023.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Helkiah”, 26 anyos.
Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver color black na may serial number na 1069766, tatlong live ammunitions, isang motorsiklo at dalawang misfired catridge case.
Patuloy ang Misamis Occidental PNP sa pagpapatupad ng batas upang masiguro ang tahimik at payapang halalan sa kanilang nasasakupan.