Iligan City – Mga kagamitang pambasabog narekober ng mga awtoridad sa isang establisyemento sa Barangay Villa Verde, Iligan City nito lamang ika-3 ng Setyembre 2023.
Ayon sa awtoridad, nakita ang kahina-hinalang itim na backpack sa gilid ng Emyat`s Treasure Hunt Second Shoppe (Ukay-Ukay) na katabi ng Gaisano Mall sa nasabing lugar na agad naman itinawag ng isang concerned citizen sa mga awtoridad.
Agad naman rumesponde ang mga awtoridad at nilagyan ng corndoned at nagsagawa ng 5 – 11 paneling search , kasunod nito ang pagsasagawa ng Render Safe Procedure gamit ang Water Canon ng City EOD and Canine Unit – Iligan City at bandang 11:15 ng umaga na dineklarang area cleared.
Narekober sa itim na bag ang apat na containers na may laman na Ammonium Natrite-Fuel Oil; isang two-way handheld radio; isang blower at wires.
Nagpapa-alala naman ang mga awtoridad na kung may makitang kahina-hinalang bagay sa mga mataong lugar ay agad tumawag upang maagapan at maiwasan ang mga aksidente o pagsabog.