Matagumpay na naisagawa ang Klarex nga Serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Cagayan de Oro City na ginanap sa Barangay Bonbon, Cagayan de Oro City nitong umaga ng Setyembre 2, 2023.
Ito ay sa ilalim ng liderato ni Hon. Rolando “Klarex A. Uy, Alkalde ng nasabing siyudad katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nagbigay din ng seguridad at nakiisa ang mga miyembro ng Cagayan de Oro City Police Office sa pangangasiwa ni Police Colonel Salvador Nomio Radam, Officer-In-Charge.
Ilan sa serbisyong handog ng serbisyo ay pamimigay ng foodpacks, tsinelas, police clearance assistance, crime prevention lecture.
Nagkaroon din ng libreng kasalan para sa 111 magsing-irog.
Ang naturang “Klarex nga Serbisyo sa Baryo” ay Linggo-linggo ginagawa upang matulungan ang mamamayan sa siyudad ng Cagayan de Oro.