Handog ni Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, ang financial assitance sa mga residente ng Pagalungan, Maguindanao del Sur nito lamang araw ng Huwebes ika-5 ng Disyembre 2024. Naging katuwang ng Congresita ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development Region XII, sa pamamahagi ng tulong pinasyal sa ilalim ng kanyang programa na Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program o (AKAP).
Layunin ng programa na ito na makapagbigay tulong sa mga kapos sa buhay kung saan ang mga benepisyaryo ay ang mga kumikita ng hindi hihigit sa minimum wage.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong pinansyal na ipinaabot ng Congresita sa kanila dahil ito ay malaking tulong sa kanilang gastusin.