Umarangkada ang tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay Binoligan at Patadon ng Kidapawan City nito lamang ika-5 ng Disyembre 2024.
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) ng pamamahagi ng social pension. Tig-P3,000.00 na ayuda na may kabuuang halaga na P1,137,000.00 para sa 379 kwalipikadong senior citizens ang nakatanggap mula sa “4th quarter social pension payout”.
Layunin ng pamahalaan na ipakita ang pagpapahalaga sa mga nakatatanda at magbigay ng tulong sa kanilang pinansyal na pangangailangan.