Anim na kalahok ang sumabak sa Christmas Choral Choir Competition na ginanap kamakailan sa La Salle Academy, Iligan nito lamang ika-16 ng Disyembre 2024.

Nagwagi ang Olpha Childrens Choir ng Linamon na nakakuha ng score na 93.45% at nakatanggap ng P20,000 na premyo.

apanalunan din ng Vox Dei ang P15,000 na premyo bilang first runner up na may score na 93.40%.

Second runner up ang Lourdes Choir ng katedral na may score na 93.27% at nakakuha ng P10,000 na premyo.

Ang anim na kalahok ay hinusgahan sa pamamagitan ng kanilang performance, musicianship, at stage presence. Ang Seasons of Lights Choral Competition ay bahagi ng Paskuhan Festival event ngayong taon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *