Matagumpay na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Tagoloan, Misamis Oriental ang Candle Making Workshop sa Paula’s Hotel & Restaurant nito lamang Huwebes, Disyembre 26, 2024.

Pinangunahan ng tanggapan ng Municipal Economic Enterprise and Development Office sa pamumuno ni Ms. Maristel Emano, kasama ang tanggapan ng Department of Trade and Industry Region 10, ang nasabing aktibidad.

Nagbigay din ng mensahe ng suporta ang chairwoman ng committee on Business, Economic Planning and Market Enterprise na si Sangguniang Bayan member Kagawad Honey Emano-Doña sa mga kinauukulan at mga kalahok mula sa iba’t ibang bahagi at sektor ng bayan ng Tagoloan.

Ang inisyatibo na ito ay naglalayong ipakilala ang bayan ng Tagoloan sa industriya ng Candle Making at bigyan ang mga taga-Tagoloan ng mas maraming pagkakataon na magkaroon ng sustainable business dahil malaki ang demand sa market ng candle making.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *