Nakatanggap ng tulong mula sa Cotabato Provincial Government at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian at Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. ng Region 12, para sa mga apektadong pamilya ng naganap na sunog sa Brgy. Dado, Alamada, kung saan 24 na pamilya ang apektado at nawalan ng tahanan at mga ari-arian nito lamang Disyembre 26, 2024.
Ang pondo ay nagmula sa pamahalaang nasyonal sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na lubos namang ipinagpasalamat ni Gov. Mendoza.
Nasa naturang aktibidad si Maria Santina Calimag ng DSWD XII, kasama ang ilang kawani ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ang apektadong pamilya ay nakatanggap ng essential relief items, na kinabibilangan ng 48 family food packs (FFPs), 24 hygiene kits, 24 sleeping kits, 24 family kits, 24 kitchen kits, at 24 pre-cut laminated sacks.
Bukod dito, bawat pamilya ay tumanggap din ng tig-P10,000.00 na cash assistance upang matugunan ang kanilang mga agarang pangangailangan.
Patuloy ang pamahalaan katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno na maghatid ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan.

