Matagumpay na isinagawa ang Muay Thai o Thai boxing bilang bahagi ng Paskuhan 2024 na ginaganap sa Iligan City nito lamang ika-26 ng Disyembre 2024.

Ayon kay Ryan Almazan, Muay Thai Technical Officer ng Philippine Sports Commission, ang muay thai ay isang uri ng combat sports, isang full contact martial arts gamit ang mga kamao, siko, tuhod at paa.

Sa 50 kg category, tinalo ni Gheo Maro Blancaflor ng Royal Falcons sa South Cotabato si Hamza Mampao ng KRU Iligan City, habang sa 66 kg, nanalo si Dale Ryan Lagare ng KRU Iligan City.

Samantala, tinalo ni Anthony Bollozos ng Outcast Malaybalay City si Arniel Bacon ng KRU Iligan City sa 55 kg category, habang sa 56 kg, nanalo si Sebial sa BheeBhouys laban kay Ronel Gadtador sa TIMD Manticao.

Lumahok sa kompetisyon ang mga atleta mula sa South Cotabato, Malaybalay City, Cagayan de Oro City, Manticao Misamis Oriental at Iligan City.

Isa ito sa mga aktibidad ng Paskuhan Festival sa Iligan.

Ang aktibidad ay itinaguyod ni Mayor Frederick Siao, LGU Iligan City sa pamamagitan ng Iligan City Sports Office, Iligan Boxing Academy, Mona Lisa, Rotary Club ng Metro Iligan at Rotaract Club ng Metro Iligan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *