Pinasinayaan ang panibagong tanggapan at ang business center ng Southern Philippines Development Authority (SPDA) sa Veterans Avenue, Sta. Barbara, lungsod ng Zamboanga noong Disyembre 26, 2024.
Ang nasabing inagurasyon ay nagsilbing hakbang upang isulong ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon at pagtibayin ang mga serbisyong handog ng SPDA sa mga mamamayan ng Zamboanga Peninsula.
Kabilang sa nakilahok sa naturang inagurasyon ang Mindanao Development Authority (MinDA) sa pamamagitan ng Area Management Office – Western Mindanao.
Ang SPDA ay isang government-owned and controlled corporation sa ilalim ng Office of the President at itinatag ito noong taong 1975.
Ang SPDA sa pamumuno ni Administrator Abdulghani Salapuddin ay isa sa mga myembro ng MinDA Board of Directors kung saan nagbibigay ng direksyon at gabay sa mga programa’t proyekto ng MinDA.

