Matagumpay na naisagawa ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Joint Security Social Sectors meeting sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-26 ng Disyembre 2024.

Pinangunahan nina Hon. Datu Marshall I. Sinsuat, Municipal Mayor, at Hon. Bai Raida T. Sinsuat, Vice Mayor ang naturang pagpupulong katuwang ang Philippine Army at mga personahe ng Datu Blah Sinsuat PNP sa pamumuno ni Police Lieutenant Octavio E Llenado Jr., Officer-In-Charge.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng peace and order ng naturang lugar, na may pangunahing pokus sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa iligal na droga at terorismo. Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng tamang impormasyon, kaalaman at kamalayan sa kaligtasan ng mamamayan at mas palakasin ang ugnayan sa pagitan ng PNP at komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *