Patuloy na nagkakaroon ng kasiyahan at kasiglahan sa Davao City ngayong kapaskuhan sa pagbubukas ng Pasko Fiesta Grand Bazaar noong Disyembre 26, 2024.

Ang bazaar na ito, na itinampok sa Coastal Road Esplanade Park sa Bago Aplaya, ay isang makulay at masayang pagtitipon na magtatagal hanggang Disyembre 31, 2024.

Ang Pasko Fiesta Grand Bazaar ay nagtatampok ng kabuuang 32 stall concessionaires na nag-aalok ng masasarap na pagkain, mga lokal at international na produkto.

Kabilang sa mga tindahan ang mga kilalang pangalan tulad ng Patata Repulika, Dabaw’s Sisig Corner at Davao Bites at iba pa.

Hindi rin pahuhuli ang mga food trucks na may kanya-kanyang specialty. Kasama sa mga food trucks ang FreshKo, DKing’s Sisig Corner, Happy Days Outdoor Dining Davao, Omma’s Kitchen, na nag-aalok ng Korean-inspired dishes; Waxi’s at Wild Wings, na naghahain ng crispy at flavorful wings.

Ito ay bukas mula 4 ng hapon hanggang 10 ng gabi, at isang perpektong pagkakataon para sa mga pamilya, mga kaibigan, at mga lokal na mamamayan na magdiwang ng Pasko habang tinatangkilik ang iba’t ibang pagkain at produkto.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *