Opisyal nang itinurn-over ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform – Philippine Rural Development Project (MAFAR-PRDP) Regional Project Coordinating Office BARMM ang P12.7 milyong halaga na Trading Post at tatlo pang warehouses with solar dryers na nagkakahalaga ng P5.6 milyon bawat isa sa mga barangay ng Lumbayanague, Lanao del Sur noong ika-26 ng Disyembre 2024.


Pinondohan ang nasabing proyekto ng World Bank Second Additional Fund at European Union co-financing grant.
Layunin ng mga nasabing proyekto na magkaroon ng mas maayos na pamilihan ang mga magsasaka at pasilidad para sa pagpapatuyo at pag-iimbak ng kanilang mga ani. Photo credit: Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform – BARMM