Sugatan ang isang aktibong pulis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem bandang 3:55 ng hapon nito lamang ika-31 ng Disyembre 2024 sa bahagi ng Crossing Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Police Corporal Tohamie Musa, may-asawa, nasa hustong gulang na nakatalaga sa Tawi-Tawi Provincial Mobile Force Company.

Nabatid na sakay ang biktima sa isang color gray toyota hilux na may plakang LCU8004 kasama ang kanyang asawa’t anak nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Tadtad ng tama ng bala ng baril ang sasakyan at nagawa pang makabawi ng putok ang biktima sa mga suspek matapos nitong mailayo ang kanilang sinasakyang pick-up.

Nagtamo ng tama sa hita si Police Corporal Musa na kasalukuyang ginagamot kasama ang kanyang mag-ina na maswerteng nakaligtas sa naturang insidente.

Samanatala, humigit kumulang 20 na basyo ng hindi pa natutukoy na uri ng baril ang narekober sa crime scene.

Inaalam na ng PNP motibo sa pamamaril habang agad nagsagawa ng hotpursuit operation sa posibleng pagkadakip ng mga salarin.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *