Patay ang dalawang kriminal matapos manlaban sa isang engkwentro sa Barangay Ayala, Zamboanga City noong Disyembre 31, 2024.


Nabatid na ang dalawang suspek ay sangkot sa drug trafficking at nasa likod ng insidente ng pamamaril sa lungsod.


Pinaulanan ng bala ng mga suspek ang mga otoridad, dahilan na napilitan ang kapulisan na gumanti ng putok.
Nagpasalamat naman ang Zamboanga City PNP sa mamamayan dahil sa kooperasyon at tulong upang masawata ang iligal na aktibidad ng dalawang kriminal na nagdala ng takot at pangamba sa komunidad.