Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum ang Boss 2025-Business One-Stop Shop sa City Atrium nito lamang ika-2 ng Enero 2025 at magtatapos ito sa ika-20 ng Enero, 2025.

Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapadali ng mga proseso para sa mga negosyante, lalo na ang mga mag-a-apply at magre-renew ng kanilang business permits at occupational permits.

Ang Boss 2025-Business One-Stop Shop, ay naglalayon na pagsama-samahin ang mga kinakailangang ahensya at serbisyo sa isang lugar, kaya’t hindi na kailangan pang magtungo sa iba’t ibang opisina para makumpleto ang mga kinakailangang dokumento.

Sa tatlong madaling hakbang na kinabibilangan ng assessment, pagbabayad, at sa huli, ang releasing ng dokumento ay maaari ng maipagpatuloy o masimulan ng mga indibidwal ang kanilang mga negosyo.

Sa pamamagitan nito, ang pamahalaan ng Tagum ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko at pagsuporta sa mga negosyante upang mapaunlad ang kanilang mga negosyo at ang kabuhayan ng buong komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *