Umarangkada ang tindahan ni Mamang Pulis na isang inisyatibo ng Ozamis City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Harvey Serrano, Officer-In-Charge, katuwang ang Asenso Pinoy.

Ang isang sari-sari store ay nai-turnover sa maswerteng benipisyaryo at nagdala ng kahulugan ng suporta at pag-asa para sa mga lubos na nangangailangan na idinaos sa disperas ng Bagong Taon, Disyembre 31, 2024.

Ang benepisyaryo ay isang single mother na biktima ng Violence Against Women ay nagsusumikap na makabangon para sa kanyang dalawang anak at mga magulang na naninirahan sa Purok Malipayon, Brgy. Maningcol, Ozamis City.

Ang tindahang ito ay ipinagkaloob sa kanya at lubos na pahahalagahan para matulungan ang pamilya. Ito ay isang special impact project na nagpapakita sa misyon ng PNP at Asenso Pinoy na hindi lamang nagbibigay ng seguridad kundi nagbibigay rin ng pag-asa sa mga pamilya na patuloy na nagtitiis sa kahirapan para kahit papaano ay may magamit na pang sustento sa araw-araw na gawain.

Ang tindahang ito ay nagdala sa mga impormasyong tungkol sa anti-criminality campaign sa pamamagitan ng mga hotline numbers at mga awareness materials na nakapaskil sa nasabing tindahan.

Ito ay nagpapatunay na ang Ozamis City PNP, ay may aktibong papel sa pagtulong sa pagbigay kaalaman, seguridad at kaagapay ng bawat pamilya tungo sa pagkamit ng maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *