Sugatan at nagtamo ng walong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang kaalitan nito lamang disperas ng Bagong Taon, Disyembre 31, 2024 sa Zyra LPG Store, Sayre Highway, Purok 8, Barangay 9, Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si alyas “​​​​Jojo” 24-anyos at kasalukuyang nagpapagaling sa Malaybalay Polymedic General Hospital. Sa ulat ng Malaybalay City PNP, nagkaroon ng pagtatalo sa pamamagitan ng online chat ang biktima at ang suspek na kinilalang si alyas “Mario”, 21-anyos.

Nang komprontahin ng biktima ang suspek sa kanyang pinagtatrabahuan, doon na nagkaroon ng mainit na pag-aaway.

May hawak na kutsilyo ang suspek dahilan para saksakin ng ilang beses ang biktima.

Samantala, kaagad nahuli ang suspek sa hot pursuit operation ng Malaybalay City PNP at mahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *