Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Purok Meliton Brgy. Poblacion San Miguel, Zamboanga del Sur nito lamang ika- 2 ng Enero 2025.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Jino” 27 anyos, lalaki at residente ng Purok 1 Brgy. Concepcion, San Miguel, Zamboanga del Sur.
Nabatid na ang sumuko ay dating miyembro ng Hingpit Nga Organisadong Masa/Revolutionary Committee HOM/BRC sa ilalim ng Guerilla Front KARA at miyembro din ng Salabukan G’taw Subanen isang CTG Affected Mass (CAMO) ng Indigenous People sa ilalim ng UGMO Revolutionary Organization ng Lumad Regional Urban Committee, WMPRC.
Patuloy ang paghina ng teroristang grupo, indikasyon na epektibo ang programa ng pamahalaan na tuldukan ang insurhensya at terorismo, tungo sa pagkamit ng isang payapa at maunlad na bansa.