Isang barangay kapitan ang binaril at patay sa Sambolawan, Datu Salibo, Maguindanao del Sur noong Enero 3, 2025.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si alyas “Kameran,” residente ng naturang lugar.
Nabatid na galing lamang mula sa congregational prayer sa mosque nang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril.
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng ito ng buhay.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.