Matagumpay na idinaos ang Programang Klarex na Serbisyo sa Baryo (KSB) sa mga residente ng Barangay Canitoan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-4 ng Enero 2024.
Ang programa ay inisyatibo ni Mayor Klarex Uy, City Mayor ng Cagayan de Oro City, katuwang ang ibang opisyal ng lungsod at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa naturang aktibidad ay nagsagawa ng libreng dental at medical check-up, libreng gamot, legal konsultasyon, food packs, at iba pa.
Mahigit 300 benepisyaro ang napasaya sa libreng serbisyo na hatid ng gobyerno.
Layunin ng programa ang maipaabot ang tulong at serbisyo sa mga nangangailangan.