Isa sa mga pangunahing programa na ipinatutupad ng Lokal na Pamahalaan ng Malaybalay sa pamumuno ni Mayor Jay Warren Pabillaran, ay ang Barangay Assistance Program (BAP) o Purok Development Program para sa ngayong taong 2025 na sinimulang itinurn-over nito lamang ika-3 ng Enero 2025 sa Malaybalay City, Bukidnon.
Ang inisyatibong ito ay itinatag upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga sektor sa barangay at purok.
Isa itong patunay ng dedikasyon ni Mayor Pabillaran sa paglilingkod para sa mga mamamayan ng Malaybalay.
Ang naturang programa ay naglalaman ng pamamahagi ng mga kagamitan para sa livelihood rentals tulad ng mga monobloc chair, sound system, folding table, grass cutter, welding machine, vendo machine, at demountable tents.
Kasama rin dito ang mga maliliit na proyektong pang-imprastraktura gamit ang construction materials.
Sa kasalukuyan, mahigit 380 na purok at 46 na barangay ang naging bahagi ng programang ito.
Umabot na rin sa mahigit o halos 777 resolusyon ang naproseso para sa Barangay Assistance Program na nagpapatunay ng aktibo at epektibong pagpapatupad nito.
Patuloy na nagdadala ng benepisyo ang BAP sa mga barangay at purok, na nagpapalakas ng pagkakaisa at pag-unlad ng komunidad sa lungsod ng Malaybalay.