Tinatayang P5,920,000.00 halaga ng honoraria ang ipinamahagi sa Barangay Nutrition Scholar na ginanap sa Provincial Capitol, Misamis Oriental nito lamang ika-2 ng Enero 2024.

Umabot sa 562 Barangay Nutrition Scholars ang dumalo habang 25 Nutrition Action Officers mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ang dumalo din.

Ang programa ay dinisenyo ni Gobernador Peter “Sr. Pedro” Unabia, na dagdagan ang honoraria ng mga barangay volunteer bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap sa paghahatid ng serbisyo sa bawat barangay.

Bahagi ito ng pagnanais na mabawasan ang kahirapan sa lalawigan alinsunod sa SDPI Program at PAGLAUM Development Agenda ni Gobernador Unabia , na may letrang “P” para sa Participatory Governance at titik “U” para sa Unified efforts para sa Health and Social Services.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *