Sumuko ang 14 na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Purok 10, South Poblacion, Maramag, Bukidnon nito lamang ika-1 ng Enero 2025.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Jhon”, “Cherry”, “Jose”,“Roge”, “Dodong”, “Ondoy”,“Toto”, “Teofilo, “Tansiong”, “Greg”, “Tonyo”, “Lolo”, “Inday”, “Meme”, pawang nasa mga legal na edad at lahat ay residente ng nasabing lugar.

Nabatid na isinuko rin nito ang mga armas at pampasabog kabilang ang dalawang granadang pampasabog, isang rifle grenade, dalawang improvised na 12-gauge na shotgun, dalawang magasin at isang bala ng 12G.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan na sumuko ang natitira pang miyembro at tagasuporta ng teroristang grupo at magsimulang muli kasama ang kanilang mahal sa buhay, malayo sa karahasan dala ng mapanlinlang na grupo na hadlang sa kaunlaran sa ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *