Pinangunahan ni Cagayan de Oro City Mayor Klarex Uy ang civil wedding ceremony ng 43 mag-asawa sa Kasalang Bayan na ginanap sa Barangay Patag, Cagayan de Oro City nito lamang umaga ng Setyembre 16, 2023.

Ang bawat mag-asawa ay nakatanggap ng grocery items, isang bottle of wine, wedding cake, at isang buong lechon mula sa Local Government Unit ng Cagayan de Oro City.

Nakiisa rin ang mga tauhan ng Cagayan de Oro City Police Office sa pangunguna ni Police Colonel Salvador Nomio Radam, City Director upang magbigay ng seguridad at kaayusan sa naturang seremonya.

Labis naman ang pasasalamat ng 43 mag-asawa sa libreng Kasalan na hinandog sa kanila ng LGU ng Cagayan de Oro City.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *