South Cotabato – Sumuko ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Sitio Stop. Nino, Brgy Centrala, Surallah, South Cotabato, nito lamang ika-17 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang dalawang sumuko na sina alyas “Joseph” at alyas “Bigboy”, dating miyembro ng Guerilla Front DAGUMA Far South Mindanao Region (FSMR) at pawang residente ng Brgy. Aflek, T’boli, South Cotabato.
Kasabay ng pagsuko ng dalawa ay ang pagturn-over ng isang 9mm Uzi na walang serial number at isang granada.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob upang makapiling ang kanilang sariling pamilya at magsimulang muli malayo sa anumang uri ng gulo at karahasan na dala ng maling ideolohiya.