Sa layuning magkaroon ng payapa at maayos na halalan, nagkaisa ang mga kandidato, kasama ang mga miyembro ng Police Regional Office 10, religious sectors at iba pang sektor ng pamahalaan upang isagawa ang walk for peace, candidates briefing, integrity pledge and peace covenant signing nitong umaga ng Sabado, Setyembre 16 2023 sa siyudad ng Cagayan de Oro.

Inorganisa ang programa ng Commission of Elections (COMELEC) Region 10 katuwang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting, National Citizens’ Movement for Free Elections katuwang ang Task Force Oro – Philippine Army at Police Regional Office 10 para sa mga kandidato ng una at pangalawang distrito ng lungsod.

Nagsimula ang mahalagang aktibidad sa isang Walk for Peace mula Rodelsa Circle, Cagayan de Oro City patungo sa Kiosko Kagawasan, Plaza Divisoria. Sinundan ito ng programa kung saan nagkaroon ng briefing sa mga kandidato si Attorney Ramil Acol, ang City Election Officer ng pangalawang Distrito.

Nagkaroon rin ng integrity pledge at peace covenant signing sa naturang programa.

Nagbigay naman ng mga mensahe ng suporta ang iba’t ibang grupo sa naturang pagdiriwang.

Layunin ng programa na magkaroon ng malinis, matapat at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *