Nasabat ang tinatayang Php1,229,400.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Enero 7, 2024 sa Ozamiz City, Misamis Occidental.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Tope” 29 anyos at alyas “Berto” 30 anyos, pawang residente ng Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.
Sa operasyon ay nasabat ang 2,049 reams ng iba’t ibang brand ng puslit na yosi na nasa loob ng isang Van na nagkakahalaga ng ng Php1,229,400.00.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10643 o The Graphic Health Warning Law.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng PNP upang mapanagot sa batas ang mga taong nasa likod ng mga iligal na aktibidad.