Nasabat ang tinatayang mahigit P9.8 milyong halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Sirawan Joint Checkpoint Toril, Davao City nito lamang Enero 16, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Toy”, 37 anyos, drayber at residente ng Misamis Oriental.

Ayon sa PNP, nakatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen na may isang close van na ginamit at hindi lehitimong J&T truck courier.

Walang kaukulang dokumento na maipakita ang suspek kaya’t agad na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa J&T at nakumpirma na walang koneksyon sa naturang kumpanya ang sasakyan at suspek. Umabot sa 251 kahon ng Modern Cigarettes ang nakumpiska at nagkakahalaga ng P9.8 milyon.

Nagpasalamat naman ang PNP sa tulong at kooperasyon ng mamamayan upang maharang ang malaking halaga ng puslit na yosi upang matigil ang anumang iligal na aktibidad at kriminalidad na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran sa ating pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *