Nagpapatuloy ang suportang ibinibigay ng Tourism Promotions Board (TPB) Philippines sa mga asosasyon ng maghahabi sa lungsod ng Isabela sa probinsya ng Basilan nito lamang ika-29 ng Enero 2025.

Nakatanggap ang Marang-Marang Women’s Association at ang Bajau Women’s Weavers Association of Tampalan ng P25-K halaga ng NECO Colors na materyales mula sa TPB.

Nagbigay rin ang naturang board ng P50-K halaga ng hibla sa Tennun Weavers Association of Kapatagan Grande bilang pandagdag na materyales sa produksyon ng mga lokal na produkto ng nasabing asosasyon.

Sa pamamagitan ng Community-Based Tourism (CBT) Marketing Enhancement Program ay pinagtitibay ng TPB ang suporta at tulong na kanilang ibinibigay sa industriya ng turismo ng Isabela de Basilan.

Naging posible ang mga nasabing inisyatiba sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism (DOT) Region IX at ng Isabela City Tourism Office.

Photos by: Department of Tourism

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *