Nagsagawa ng coastal clean-up drive sa Mangrove Sanctuary, Zone 6 Barangay Bula, General Santos City nito lamang ika-30 ng Enero, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Miguel Angelo P Quidilla, Station Commander ng General Santos City Police Station 6, katuwang ang Sarangani Province Empowerment & Community Transformation Forum, The Coca-Cola Foundation, Philippine Coast Guard, Bantay Dagat Gensan at mga Criminology Interns na boluntaryong tumulong at nakiisa sa paglilinis.

Malaki ang naitutulong ng aktibidad dahil ito ay nagbibigay proteksyon sa ating yamang dagat upang maiiwasan ang pagkasira nito at para mapanatili ang kagandahan ng ating yamang dagat laban sa polusyon.

Ito ay nagpapakita lamang na seryoso ang ating kapulisan na panatilihin at pangalagaan ang yamang dagat na pinagkukunan kabuhayan ng ating kumunidad at suporta sa isa sa pangunahing pinahahalagahan ng PNP.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *